Home ENTERTAINMENT Jodi, gaya-gaya kay Heart!

Jodi, gaya-gaya kay Heart!

157
0

Manila, Philippines- Jologs na rin ang peg ni Jodi Sta. Maria.

Umani nga ng napakaraming papuri ang maikling video na ipinost ng aktres sa kanyang social media account.

Makikita kasi siyang nasa harapan ng isang puwestong nagbebenta ng street food.

Join din si Jodi sa mga jologs na walang keber na nakitusuk-tusok na rin, maibsan lang ang pagkalam ng sikmura.

Nilakipan pa niya ito ng angkop na caption which reads: “Who says that money can’t buy happiness? Sa P20, may 7 chicken balls o kikiam ka na!”

May pahabol pang caption si Jodi na: “Which team are you on–Team Fish Balls or Team Squid Balls or both?”

Katakutakot na netizens naman laud Jodi’s simplicity.

Titingnan mo nga naman siya bilang pagkasosyal-sosyal na celebrity yet she’s grounded.

‘Yun nga lang, para sa nakararami ay “panis” ang caper ng isa sa mga bida ng Lavender Fields.

llang beses na raw kasing ginawa ng global fashion icon na si Heart Evangelista ang maggpaka-jologs.

Sana man lang daw ay nag-isip si Jodi ng ibang gimik to endear herself to the masses.

In short, gaya-gaya o copycat lang ni Heart ang peg ni Jodi! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here