Home NATIONWIDE Joel Villanueva planong sumama sa minority bloc ng Senado

Joel Villanueva planong sumama sa minority bloc ng Senado

Pinangunahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout sa 800 beneficiaries sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Martes, October 3, 2023. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ni Senador Joel Villanueva na lumahok sa two-man minotiry bloc ng Senado kasunod ng pagpapalit ng liderato sa mataas na kapulungan.

Ito ang ipinalutang ng dating majority leader makaraang palitan si Senador Juan Miguel Zubiri ni Senador Francis Escudero bilang Senate president.

“Pwede akong mag-minority. Pinag-usapan din namin ni Senator Koko (Pimentel) ‘yan. If others will join me, what’s gonna happen and also I think we have enough time to decide on it,” pagbabahagi ni Villanueva sa mga mamamahayag.

Ang tinutukoy ni Villanueva ay si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ngunit kalaunan ay nilinaw na hindi pa pinal ang usapin sa pagsali niya sa minority bloc at hindi pa rin pormal ang naging diskusyon.

Nang tanungin kung posible ba para sa kanyan na maging minority leader, sinabi ni Villanueva na “everything is possible.”

Sa kasalukuyan, sinabi ni Villanueva na ang bagong liderato ay nagbibigay sa kanya ng committee chairmanship at pinag-aaralan niya rin ito.

Si Villanueva, kasama ang lima iba pang senador na sina Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, at JV Ejercito ay nanindigan para kay Zubiri habang ang 14 pa nilang kasamahan ay piniling ilagay si Escudero bilang bagong Senate president.

Ayon kay Villanueva, pito naman sa kanila ang nagdesisyong maging “independent senators.”

“We don’t want to rush things. Mahirap din mag-decide na mataas yung emotion kasi hindi naman maikakaila na mataas ang emosyon and of course yung pagod and all,” anang senador.

Sa hiwalay na pahayag kay Zubiri, sinabi naman nito na pito sa mga senador ang nagdesisyon na manatili bilang isang bloc.

“You can call us whatever you want. ‘Magic 7’ we’re together. Buong-buo ang suporta namin sa isa’t-isa. Hindi namin alam kung manatili kaming independent. Ang sabi nga namin, give it a break, so magbe-break muna kami,” ani Zubiri. RNT/JGC