Manila, Philippines – Pansamantala munang isinantabi nina Priscilla Mereilles at John Estrada ang isyu sa kanilang mag-asawa as they got “reunited” recently.
However, their getting united anew should not be confused with literal na nagkabalikan o nagkaayos.
Matatandaang lie low muna ang estranged couple as they’re trying to fix what needs to be addressed as far as their marriage is concerned.
Sa kolum nga ni Dolly Ann Carvajal sa isang broadsheet, nakunan niya ng snap shot ang mag-asawa.
Dolly Ann is friends with the couple.
Inihingi muna ni Dolly Ann ng permiso mula kay Chin, kapatid ni John, kung maaari niyang i-publish ang naturang litrato.
The photo shows John and Priscilla, John’s mom Lilia, John’s son Yuan, their unica hija Anechka, sister Chin and husband Buck at kanilang mga anak na sina Zach at Zoe.
Kuha ‘yon sa school play ni Anechka na A Christmas Carol.
Sa kabila nga ng kanilang problema’y hindi nakakaligtaan nina Priscilla at John ang kanilang tungkulin bilang mga magulang ni Anechka.
Kung pagmamasdan nga ang naturang larawan ay normal lang itong pamilya na masaya at punumpuno ng pagmamahal.
Dolly Ann wrote that she hopes na kung anuman ang pinagdadaanan ng mag-asawa’y sana “time out!” lang ito at hindi “time’s up”!
Matatandaang several weeks ago ay nag-viral ang litrato ni John na may kasamang babaeng foreigner papasok ng isang bar.
Asked to shed light on the issue, tahasang sinabi ng aktor na hindi niya kailangang magpaliwanag.
Katwiran ni John, it’s his right to be friends with anyone he chooses.
Nama-magnify nga lang daw ang isang karaniwang balita just because he is a public figure. Ronnie Carrasco III