Home ENTERTAINMENT John, nanggalaiti, pumalag sa sirang pasilidad sa botohan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES John, nanggalaiti, pumalag sa sirang pasilidad sa botohan!May 15, 2025 13:00 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Malamang sa kanyang hometown sa Baler, Quezon bumoto ang award-winning actor na si John Arcilla.Sa kanyang tila nanggagalaiting post sa social media, pinuna ni John ang mga sirang silya’t mesa sa isang classroom.Yun bale ang nagsilbing waiting area sa gitna ng mahabang pila sa kanyang voting precinct.Hindi naiwasang punahin ni John ang dapat sana’y budget na nakalaan sa edukasyon.Given nga naman the situation, kahit sino’y magtatanong kung saan napunta ang budget para sa mga pasilidad sa paaralan.Apparently miffed, nag-post si John ng: “Tapos, ang iboboto natin, eh, mga corrupt! Eh, eto na nga ang patunay na namimili tayo ng maling kandidato!”Nakiusap si John na ayusin ang pagpili ng mga iluluklok sa puwesto “kahit last minute lang!”Hindi na kataka-taka ang pagiging patriotic o makabayan ni John na minsan nang gumanap bilang Heneral Luna.Nakaka-relate din ang napakaraming netizens sa hanash ni John.Isa nga namang nagdudumilat na katotohanan na laganap ang korapsyon sa bansa! Ronnie Carrasco III