Manila, Philippines – Ganito ang naging transaksyon ni aktor-politiko Jomari Yllana nang dumayo siya sa isang jewelry shop para bumili ng alahas para sa kanyang sarili.
Napadako si Jomari sa Maddox at namili ng alahas mula sa estante. Sa huli, napili niya ang isang blue sapphire men’s bracelet na nagkakahalaga ng P202,000.
Ang hindi alam ng babaeng may-ari ng tindahan, wala palang dalang cash si Jomari. Nakipag-deal siya na ibebenta ang hindi na nagagamit na Toyota Altis 2018 model bilang pambayad sa alahas na kinuha niya.
Tamang-tama namang nasa buy-and-sell ng mga kotse ang mister ng may-ari kaya agad silang pinagharap. Siyempre, nagkaroon ng tawaran ngunit sa huli ay naibenta ni Jomari ang naturang sasakyan sa halagang P420,000.
Bale, ang excess mula sa halagang P202,000 na presyo ng binili niyang bracelet ay ibabawas na lamang mula sa naging bentahan ng kotse.
Obvious na ayaw pakawalan ni Jomari ang nakursunadahang bracelet.