Home SPORTS Jordan Clarkson ‘di lalaro sa Gilas squad sa China tourney

Jordan Clarkson ‘di lalaro sa Gilas squad sa China tourney

MANILA, Philippines – Hindi na kasama si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas sa Heyuan WUS International Basketball Tournament sa China.

Ipinahayag ni Coach Chot Reyes na hindi sasali ang Fil-Am guard sa team sa Guandong meet at sa halip, didiretso na ito sa Manila sa susunod na linggo.

Dumating ang pinakabagong balit ngayong araw bago umalis ang pambansang koponan patungong China.

“Hindi siya maglalaro sa China. Baka dumiretso na lang siya dito sa Manila,” ani Reyes.

Bukod kay Clarkson, hindi rin kasama sa koponan sina Kai Sotto, Scottie Thompson, at ang dalawa pang naturalized na manlalaro na sina Justin Brownlee at Ange Kouame.JC

Previous articleRuru, nainggit kay Matteo!
Next articlePBBM sa mga Pinoy: Sariling wika mahalin