Home ENTERTAINMENT Jowa ni Carla, ‘hinubaran’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jowa ni Carla, ‘hinubaran’!December 7, 2025 09:494360 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa wakas, may pangalan na ang ‘faceless’ fiance ni Carla Abellana — Dr. Reginald Kristian C. Santos.Ayon sa pananaliksik na rin ng mga netizens, 39 anyos gulang na si Reg— tawag sa kanya ng mga kaibigan.Naka-lock man ang kanyang profile sa Facebook, si Reg ay mula sa Quezon City who has a high sense of privacy.Lantad naman ang kanyang educational background.Nag-aral siya sa OB Montessori sa Greenhills.Taong 2024 nang nagtapos siya ng highschool.Medical studies ang kinuha niya sa Far Eastern University-Dr. Nocanr Reyes Medical Foundation sa Quezon City.Taong 2012 nang makumpleto ni Reg ang nasabing kurso.August 2013 nang pumasa si Reg saPhysician Licensure Examination.Nakasaad sa record na ang professional trajectory ni Reg ay sa Diliman Doctors Hospital (DDH).Nakatala siya bilang head ng DDH emergency department.November 2024 nang maging chief medical officer siya.Gusto sana niyang mag-aral noon sa art school but his parents wanted him to be a doctor.Ang bansag nga sa kanya sa mga recent posts ay medical director with a secret passion for the arts.Kabilang si Reg sa mga nagtayo ngBadass Art Gallery.Sina Carla at Reg ay magkaeskuwela sa OB Montessori.Ayon sa isang ulat, mahigit dalawang taon daw silang nag-date bago nagkanya-kanya ng landas.Pero nanatili silang magkaibigan.Ang latest–this coming December 27 na ang pag-iisang-dibdib nina Carla at Reg–na ang first love ay isa’t isa.Isang klasikong halimbawa ito ng kasabihang “First love never dies.” Ronnie Carrasco III