Home ENTERTAINMENT Julia, nag-throwback sa pinagdaanang hirap!

Julia, nag-throwback sa pinagdaanang hirap!

Manila, Philippines – Bata pa lang ay namulat na si Julia Montes sa kahirapan ng buhay.

Sa YouTube vlog ni Bernadette Sembrano sinariwa ni Julia what her life was like when she was young.

Kuwento niya, sila raw ng kanyang Lola Flory ang breadwinner sa pamilya.

To make both ends meet, “kumagat” daw sila sa pautangang 5-6.

There were times na hindi raw sila nakakabayad on time, and Julia would plead with the money lender para bigyan sila ng palugit.

Dumating din daw ang panahong tumira sila ng kanyang lola sa pinagtatrabahuhan nitong salon.

Pag wala na raw mga customer ay saka lang sila matutulog.

Sofa na yari raw sa kawayan ang nagsilbing higaan nila.

May pagkakataon din daw na ang isang pakete ng instant noodles ay pinaghahati-hatian nilang magkakapatid.

Pinagtataguan din daw nila madalas ang kanilang inuutangan sa kawalan ng ibabayad.

That explains kung bakit generous pala sa pagkain si Julia.

When on the set, gusto niyang maraming pagkaing nakalatag para sa kanyang mga katrabaho: “Food is life.”

Kung kaya rin lang daw ng kanyang bulsa, magpapabili siya ng pagkaing puwedeng pagsaluhan ng kanyang mga co-stars including the crew.

May paliwanag din ang kanyang Lola Flory kung bakit Julia had to show up at auditions: “Sasabihin niya, kailangan natin ng pera!”

One time, para makasipot lang sa taping ay ipinangutang nila ng kanyang lola ang pamasahe sa jeep hanggang makauwi.

Pero sa kinasamaang-palad daw, pinalitan si Julia ng ibang bata ring aktes dahil kapos siya sa height.

Bleesings began pouring down on Julia when she was cast in the TV remake of Mara Clara with Kathryn Bernardo in 2010.

Mula noon ay sunud-sunod na ang mga proyektong iniaalok kay Julia.

With Julia’s story about life struggles, tiyak na marami ang makaka-relate sa kanya.

Julia, no doubt, continues to inspire if only because of her perseverance and hard work that paid off.

Talbog! Ronnie Carrasco III