Home ENTERTAINMENT Julie Anne, pinapasa-Diyos ang pagpapakasal!

Julie Anne, pinapasa-Diyos ang pagpapakasal!

286
0

Manila, Philippines – Hindi lang si Julie Anne San Jose ang niligawan noon ni Rayver Cruz, kundi pati ang mga magulang nito.

Ayon kay Julie Anne, dumaan din sa butas ng karayom ang aktor sa kanya at sa kanyang magulang bago siya napasagot nito.

Kwento ni Julie Anne, “‘Yung parents ko kasi, they’re very reserved. They’re the best people in the world for me. They know what’s best for me.

“Siyempre, may mga times din naman na hindi naman talaga maiwasan, na may parang, ‘O, hindi.’ Tapos parang ayaw nila, or gusto ko, or like ayaw ko, pero gusto nila.

“There are times na nagganu’n pa rin. I mean, it’s a normal dynamic pagdating sa parent and anak.”

Sa ngayon, botong-boto ang parents ni Julie Anne  kay Rayver bilang kanyang boyfriend.

“They’re very okay with Ray,” sabi pa ng aktres.

Samantala, sanay na sanay na rin si Julie Anne sa madalas na pagtatanong sa kanya kung kailan sila magpapakasal ni Rayver.

“Most of the time, ganyan pa rin ang tinatanong sa akin. Ako right now,  nasa point kasi ako na ngayon na I’m just letting God control it. It is the best way.

“Kasi hindi ako umaasa sa kung ano ‘yung gusto ko, kundi kung ano ‘yung gusto Niya, kung ano ‘yung gusto ni Lord, kung ano ‘yung will ni Lord, kung paano, kailan, mangyayari ang mga bagay-bagay.

“I’m just letting things be and letting God handle everything,” sey pa ni Julie Anne. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here