Home NATIONWIDE K9 Kobe nasa pangangalaga na ng AKF

K9 Kobe nasa pangangalaga na ng AKF

210
0

MANILA, Philippines – Nasa pangangalaga na ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang aso o K9 dog na dineploy sa isang insidente ng pagsabog sa Tayuman, Tondo noong Sabado matapos mag-viral sa social media dahil sa kondisyon nito.

Ayon sa post ng AKF na isang animal welfare organization, ang K9 Explosive Detection Dog na si ‘Kobe’ ay dinala sa kanilang shelter noong Lunes.

Ayon sa Regional Explosive and Canine Unit – NCR (RECU-NCR), ang lab results ni Kobe ay normal at siya ay pinakakakain ng sapat ngunit kailangan munang sumailallim sa 2-3 buang panahon ng rehabilitasyon bago siya muling ma-deploy.

“While we thank the RECU, EOD- K9 and the MPD for their immediate response in reaching out, we continue to call for an urgent and comprehensive review of the health and welfare of all working K9s,” sabi ng AKF. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here