Home METRO Kaanak na nanghalay sa 15-anyos todas sa ama ng biktima

Kaanak na nanghalay sa 15-anyos todas sa ama ng biktima

MANILA, Philippines- Patay ang isang lalaki matapos dalawang beses barilin habang naglalaba sa tapat ng kanyang bahay ng sariling kamag-anak sa Tondo, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), ang 57-anyos na biktima ay lolo na umano ng menor-de-edad na dalagitang anak naman ng suspek na isang gwardiya.

Labis umanong ikinagalit ng suspek nang matuklasan na ang kanyang anak na 15-anyos ay minomolestiya pala ng biktima sa loob ng mahabang panahon.

Nang malaman ng suspek na hindi agad maaresto ang biktima dahil noong nakaraang taon pa ang pangyayari, nagpasya itong patayin na lamang ang biktima.

Sinabi ni MPD Director PBrig.Gen. Arnold Thomas Ibay na binaril sa likod ang biktima nang dalawang beses na dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Sa follow-up operation at kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng krimen, sinabi ng pulisya na natunton ang suspek at agad na naaresto. Jocelyn Tabangcura-Domenden