Home METRO Kagawad laglag sa droga!

Kagawad laglag sa droga!

AGNO, Pangasinan- Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang barangay kagawad o konsehal sa isang buy-bust operation sa bayang ito nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Jaimes Bernard N. Peralta.

Sinabi ni PDEA-Ilocos Director Joel Plaza na nakuhanan ang suspek ng tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at may bigat na higit-kumulang limang gramong nagkakahalaga ng P34,000, kaha ng sigarilyo, motorsiklo, at buy-bust money.

Nahaharap si Peralta sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa PDEA Pangasinan Provincial Office sa Urdaneta City, Pangasinan.

Katuwang ng PDEA ang Police Regional Office 1- Regional Drug Enforcement Unit at Agno Police Station sa nasabing operasyon. RNT/SA