Home SPORTS Panukalang batas kontra game-fixing inihain sa  Senado

Panukalang batas kontra game-fixing inihain sa  Senado

MANILA, Philippines – Inihain sa Senate Committee on Sports ngayong Miyerkules ang panukalang batas na nagsusulong ng batas laban sa game-fixing at pagtataguyod din ng propesyonalismo sa sports.

Tinalakay ng Senate Sports Committee ang Senate Bills No. 40, 1560, 1641, 1855, 2100 at House Bill no. 4513, na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives noong Nobyembre 2022.

Naganap ang pagdinig ng komite matapos ipahayag ng Maharlika Pilipinas Basketball League na nag-flag sila ng kabuuang 47 mga manlalaro at opisyal ng koponan dahil sa game-fixing.

Sa isang talumpati, sinabi ni Senate Committee on Sports chairman Sen. Bong Go na “kailangan na panatilihin at protektahan ang integridad at kabanalan ng sports laban sa dishonesty at corrupt practices tulad ng game-fixing.”

Ayon sa ulat, mayroong 31 manlalaro na nahaharap sa suspensiyon dahil sa game fixing mula noong 2021.

Binanggit din ni Go ang ulat noong 2022 ng Sport Radar, isang sports integrity firm, na nagsasaad na ang Pilipinas ay may 37 laban na itinuring na “kahina-hinala.”

“Kami ay pumangalawa sa Asya sa likod ng Tsina at higit sa Thailand,” giit ng committee chair.JC