Home HOME BANNER STORY Dalagita inalok muna ng pagkain bago lantakan ng rider

Dalagita inalok muna ng pagkain bago lantakan ng rider

SAN MATEO RIZAL–SA kagustuhan na mabilis na makarating sa bahay ng kanyang kaklase, sa bahay ng rapist na rider ang kinabagsakan ng grade 10 student na dalagita matapos paunlakan ang alok ng huli na umangkas ito sa motorsiklo, iniulat kahapon sa San Mateo Rizal.

Sinamahan ng kanyang ina ang 15-anyos na dalagitang magtungo sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group- Anti Organized Crime Unit- CIDG-AOCU para pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Kwento ng biktima sa kanyang ina, papunta siya sa bahay ng kanyang kaklase para gumawa ng kanilang assignment .

Habang naglalakad, nadaanan siya ng suspek at hinintuan ito saka inalok na sumakay sa kanyang motorsiklo para ihatid sa bahay ng kaklase.

Ilang minuto pa lamang magkasama ang dalawa tila nagkapalagayan na ng loob ang mga ito at nagawa pa nilang kumain sa restoran.

Pagkatapos kumain nakalimutan na ng biktima na ang sadya niya ay ang bahay ng kaklase at gagawa sila ng assignment subalit sa bahay na ito ng suspek dinala sa San Mateo Rizal saka isinakatuparan ng suspek ang makamundo nito pagnanasa.

Nagawa pang ihatid ng suspek ang biktima sa bahay nito at kumpyansang nagkapalagayan na sila ng loob at hindi inaasahang menor de edad ito at nagsumbong sa kanyang ina.

Agad naman inilatag ng CIDG-AOCU nag operasyon laban sa suspek at natunton sa pamamagitan ng plate number ng kanyang motorsiklo na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Ayon kay Police Colonel Ian Rosales, hepe ng CIDG-AOCU, nadiskubre na dating salesman ang suspek at arrest warrant ito sa kasong estafa.

Inamin naman ng suspek ang ginawa niyang krimen at hindi inakalang 15-anyos lamang ang dalagita dahil naging maayos silang nagkakilala at inakala niyang may makakasama na siya sa buhay dahil isa na siyang balo at mag-isa na lamang sa buhay.

Nahaharap ngayon sa acts of lasciviousness, child rape, at child abuse ang suspek.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad publiko lalo na sa mga kabataan na huwag basta makipag-usap lalo na ang magtiwala sa mga taong hindi kakilala para hindi mapahamak./Mary Anne Sapico