Home NATIONWIDE 3 empleyado ng CA na drug user, sibak sa pwesto

3 empleyado ng CA na drug user, sibak sa pwesto

MANILA, Philippines – Sinibak sa serbisyo ng Supreme Court ang tatlong kawani ng Court of Appeals na napatunayang gumagamit ng shabu.

Kinilala ang mga sinibak na sina Garry Caliwan, Edmundo Malit, at Frederick Mauricio na nadiskubreng nagpositibo sa shabu sa isinagawang random drug test ng CA noong 2022.

Ipinataw ng Supreme Court ang pinakamabigat na parusa na dismissal matapos mapatunayan ang administratibong pananagutan ng mga kawani dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Inirekomenda ng Judicial Integrity Board (JIB) sa SC en banc na matanggal sa puwesto ang tatlo.

Ayon sa SC, dahil sa maagang nagretiro si Mauricio ay iniutos na bawiin ang retirement benefits at madiskuwalipika ito sa lahat ng posisyon sa pamahalaan.

Sa ilalim ng panuntunan para sa drug- free policy sa hudikatura, lahat ng kawani ng mga korte ay kailangan na sumailalim sa random drug test. Teresa Tavares

Previous articlePanukalang batas kontra game-fixing inihain sa  Senado
Next articleLuis at Jessy, ikakasal sa simbahan