Home ENTERTAINMENT Luis at Jessy, ikakasal sa simbahan

Luis at Jessy, ikakasal sa simbahan

Manila, Philippines – As expected, Luis Manzano kept his promise na pakakasalan niya si Jessy Mendiola sa simbahan.

The two were civilly wed noong February 21 sa seremonya officiated by Lipa City Mayor Eric Africa.

If we’re not mistaken, sa February 15 nakatakda ang kanilang church wedding.

Ayaw lang nilang ianunsyo ito sa social media but as Jessy says: “It’s happening soon!”

Intimate pa rin naman daw ang gaganaping kasalan but this time around ay makukumpleto na ang pamilya ni Jessy.

Wala kasi ang mga ito sa kanilang civil weding sa The Farm sa Batangas.

Pero ang pinakaaabangan ay ang kanilang “little bride.”

Ito’y walang iba kundi ang kanilang supling na si Baby Peanut o Isabelle Rosie.

Pagkakataon na rin ‘yon ng partido ni Jessy na makita nang personal si Rosie.

Ang wish nga lang ni Jessy ay makuhang maglakad ni Baby Peanut nang maayos sa church aisle since she can already walk.

Matatandaang kontrobersyal ang civil wedding ng couple if only doon sa tumayong best man ni Luis na sangkot sa petroleum scam.

Damay pati si Luis na sa bandang hull’y napatunayang walang direktang involvement sa sinosyohang negosyo. Ronnie Carrasco III

Previous article3 empleyado ng CA na drug user, sibak sa pwesto
Next articleWater security sa Pilipinas, kailangan na! – PBBM