Home NATIONWIDE PCG maglalatag ng rekomendasyon sa NTF-WPS kasunod ng water cannon attack ng...

PCG maglalatag ng rekomendasyon sa NTF-WPS kasunod ng water cannon attack ng Tsina

MANILA Philippines- Magpapadala ng rekomendasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) matapos gumamit ang Chinese vessels ng mas mataas na pressure sa kanilang kamakailang pag-atake ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Coast Guard for the WPS spokesperson Commodore Jay Tarriela ay nagsabi na ang China Coast Guard (CCG) ay gumamit ng humigit-kumulang 200 pounds per square inch (PSI) ng pressure na nagbaluktot sa mga metal na rehas ng isang barko ng Pilipinas.

“With this level of PSI that they used now after this incident, we’re going to make recommendation. Formally, submit the report to the NTF. And then perhaps, there will be changes or there will be none,” sabi ni Tarriela sa X o dating Twitter .

Ginawa ni Tarriela ang pahayag nang tanungin kung may pagbabago sa maximum tolerance approach at operational guidelines ng Pilipinas na isinasaalang-alang na ang China ay nagtaas ng mga aksyon nito sa WPS.

Noong Martes, sinabi ng PCG na binomba ng water cannon ng CCG ang mga sasakyang pandagat nG mga sibilyang sasakyang pandagat ng Pilipinas patungo sa Scarborough Shoal, na tinatawag ding Panatag Shoal o Bajo de Masinloc.

Nagtamo ng pinsala ang PCG vessel na BRP Bagacay sa isang bahagi ng superstructure nito.

Samantala, nagtamo ng pinsala sa heating, ventilation, at air conditioning, electrical, navigation, at radio systems at superficial hull ng sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Bankaw—na tatlong beses ding binangga ng Chinese vessels.

Ilang bansa naman ang nagpahayag ng pagkabahala sa insidente.

Sa ulat ng Reuters, binanggit ang tagapagsalita ng Chinese Ministry na si Lin Jian na nagsasabi sa Pilipinas na itigil ang mga probokasyon at huwag hamunin ang determinasyon ng China na pangalagaan ang “soberanya.” Jocelyn Tabangcura-Domenden