Home ENTERTAINMENT Jolina, may paglilinaw sa Magandang Buhay!

Jolina, may paglilinaw sa Magandang Buhay!

Manila, Philippines- Hindi porke’t pulos replay ang napapanood sa Magandang Buhay, ibig sabihin nito’y nanganganib ito na masibak sa ere.

Ito ang nilinaw ni Jolina Magdangal sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Si Jolina ay isa sa mga host ng pang-umagang Kapamilya show alongside Regine Velasquez-Alcasid and Melai Cantiveros.

“Magandang Buhay, ‘di pa magsasara?!” gulat na tanong ni Ogie dahil nga puro mga replay o rerun ang ipinalalabas nito.

Ani Jolina, totoo naman daw talaga na walang ineereng fresh episodes ang nasabing morning show nila.

Mula raw noong manalasa ang pandemya noong 2020 na sinabayan pa ng problema sa prangkisa, ani Jolina’y apektado ang maraming programa ng network.

At ang nangyayaring pagsasahimpapawid ng mga previous episode ay nauunawaan nilang tatlo nina Regine at Melai.

Depensa pa ni Jolina: “Kung totoong magsasara na ang show namin, bakit hindi kami nagpo-post sa social media?”

Dahil utang daw nila sa kanilang mga tagasubaybay kung bakit narito pa rin ang kanilang programa: “Bakit hindi man lang kami nagte-thank you sa mga viewers kung totoong

mawawala na kami, ‘di ba?”

May dala namang good news si Jolina para sa mga loyal MB viewers.

Bago raw kasi natapos ang buwan ng Abril ay nakapag-tape sila nina Regine at Melai ng mga fresh episodes.

Pakiabangan na lang daw ang airing dates ng aniya y mga pasabog ng MB. Ronnie Carrasco III