Home HOME BANNER STORY Chinese exec ipinatawag ng DFA sa pinakabagong insidente sa Scarborough Shoal

Chinese exec ipinatawag ng DFA sa pinakabagong insidente sa Scarborough Shoal

MANILA, Philippines- Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong kaugnay sa kamakailan lamang na insidente ng water cannon sa Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc. 

Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza, ang gobyerno ng Pilipinas “protested the harassment, ramming, swarming, shadowing, blocking, use of water cannons, and other aggressive actions by the China Coast Guard and Chinese Maritime Militia against Philippine vessels.”

Sa kalatas na ipinalabas ng departamento, hiniling ng DFA “that Chinese vessels leave Bajo de Masinloc and its vicinity immediately.”

Sa ulat, nawasak ang dalawang barko ng Pilipinas na naatasang magpatrolya at maghatid ng fuel at food supplies sa Bajo de Masinloc matapos na pagtulungang bombahin ng tubig ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) kahapon.

Sinabi ni Philippine Coast Guard-West Philippine Sea (PCG-WPS) spokesperson Commodore Jay Tarriela na pinagtulungang bombahin ng water cannons ng tatlong barko ng CCG na may bow numbers na 3305, 3105 at 5303, ang 44-meter multi-role response vessel na BRP Bagacay (MRRV-4410) ng PCG at ang BRP Bankaw (MMOV-3004) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Naganap ang pambobomba ng tubig habang isinasagawa ng mga ito ang misyon na maghatid ng fuel at food supplies sa mga mangingisda.

Sinabi pa ni Tarriela na sa kanilang pagpapatrolya ay nakaranas din ang mga barko ng Pilipinas ng “dangerous maneuvers at obstruction” mula sa apat na barko ng CCG at anim na Chinese Maritime Militia (CMM) vessels.

Samantala, iniulat din naman ni Tarriela na naglagay ring muli ang China ng 380-metrong floating barrier sa buong entrada ng shoal, upang hindi na mapasok ang lugar.

Tiniyak din naman ni Tarriela na sa kabila ng dinanas na harassment at provocative actions mula sa CCG, nanatili sa lugar ang mga barko ng PCG at BFAR at ipinagpatuloy ang kanilang pagpapatrolya.

Aniya: “Despite the ha­rassment and provocative actions of the Chinese Coast Guard, both the PCG and BFAR vessels stood their ground and continued their maritime patrol. They were not deterred and will persist in carrying out their legitimate operations to support Filipino fishermen and ensure their safety.” Kris Jose