Home NATIONWIDE Cedric Lee, kasama babantayan ng BI matapos hatulang guilty sa serious illegal...

Cedric Lee, kasama babantayan ng BI matapos hatulang guilty sa serious illegal detention

MANIL, Philippines- Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na babantayan nilang mabuti ang mga international port ng bansa para sa negosyanteng si Cedric C. Lee at mga kasabwat nito na hinatulan ng Taguig city regional trial court (RTC) na guilty sa serious illegal detention bunsod na din sa reklamo ni television host Ferdinand “Vhong” Navarro noong 2014.

Ayon sa tagapagsalita ng BI na si Dana Krizia Sandoval, bukod kay Lee ay hinatulan din ng reclusion perpetua na may katumbas na 40 taong pagkakakulong sina Deniece Millinette Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz. Ang desisyon ay inilabas ni RTC Judge Mariam G. Bien noong Huwebes, Mayo 2.

Nabatid na agad dinala sa kustodiya sina Cornejo at Raz, na naroroon sa promulgation, habang naglabas ang korte ng warrant of arrest laban kina Lee at Guerrero na hindi humarap sa RTC.

Ayon kay Sandoval, si Cedric Lee ay may aktibong hold departure order mula noong 2014 at isang warrant of arrest mula noong 2015, at ang kanyang pangalan ay nasa Immigration Lookout Bulletin mula noong 2014.

Dagdag pa ni Sandoval, maging si Ferdinand Guerrero ay may aktibong warrant of arrest at kasama sa Immigration Lookout Bulletin Order na may petsang 2014. JAY Reyes