Home ENTERTAINMENT Flow G, in-demand sa collab!

Flow G, in-demand sa collab!

Manila, Philippines- Walang duda na sa mga rap artists, isa si Flow G sa mga in demand sa collaboration dahil sa taas ng bilang ng kanyang subscribers and followers sa socmed.

Sa ngayon, kasama na rin si Flow G sa mga bigating musikero sa Pilipinas na may pasabog at makikipag-collab sa Puregold at lalahok sa Tindahan ni Aling Puring.

Naglabas ng teaser si flow G ng kolaborasyon na ito sa isang Instagram post.

Kasama na ang rapper sa kahanga-hangang line-up ng mga artista na pinangungunahan ng alternative pop band na SunKissed Lola at ng Pinay girl group na BINI.

Si Flow G, o si Archie dela Cruz, ay kilala sa pagsisimula ng bagong era ng Pinoy hip-hop at OPM.

Nais ni Flow G na mas hikayatin pa ang mga Pilipino na mahalin ang musikang Pinoy.

Naging makulay ang paglalakbay ni Flow G mula noong sumikat siya sa gitna ng 2010.

Pagkatapos magsimula ng kanyang karera, napakaraming mga balakid na dumating sa kanya gaya ng mga detraktor, diss track, at iba pang hamon na kasama sa pagnanais na lumikha ng sariling pangalan.

Naging matatag si Flow G at narating ng mga kanta niyang “RAPSTAR” at “High Score” ang tagumpay. JP Ignacio