Home NATIONWIDE DSWD nagpaabot ng higit P101M tulong sa El Niño-affected families 

DSWD nagpaabot ng higit P101M tulong sa El Niño-affected families 

MANILA, Philippines- Aabot sa mahigit P100 milyong halaga ng humanitarian aid ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, ang nasabing halaga ay sa pamamagitan ng family food packs o FFPs dahil ito aniya ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

“This is through Family Food Packs or FFPs dahil nga po ito yung immediate na pangangailangan ng ating mga kababayan na naapektuhan  ng severe drought as a result of the El Niño phenomenon,” sabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao .

Ayon pa sa tagapagsalita ng ahensya, umabot na sa 178,400 FFPs ang nakaantabay na sa iba’t ibang rehiyon sa bansa at nagkakahalaga ng mahigit P121.6 milyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Asst. Secretary Dumlao, ang National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ng DSWD ay kayang mag-replenish at magdagdag pa ng mga pagkain at non-food items (FNIs) kung sakaling kakailanganin.

“Concerned local government units (LGUs) and other partners have also extended assistance to the affected families. Based on the latest report of our Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), LGUs across the country have provided assistance amounting to Php6.2 million while other partners have given Php5.4 million worth of aid,” sabi pa ni Asst. Sec. Dumlao.

Sa kasalukuyan, may 737,901 pamilya o 3,095,107 indibidwal mula sa 4,058 barangay sa 13 rehiyon (Regions1, 2, 3, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 11, 12, Cordillera Administrative Region [CAR] at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao [BARMM]) ang iniulat na apektado na ng tagtuyot. Santi Celario