MANILA, Philippine- Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pilipinas kung saan walang nagugutom, ayon sa Presidential Communications Office nitong Biyernes.
Ayon sa PCO, kinapanyam si Marcos ni Maeil Business Newspaper Chairman and Publisher Chang Dae-Whan sa Malacañang nitong Huwebes nang sabihin niyang, “I was asked very early on after taking office, ‘What is your aspiration for the Philippines?’ It’s very simple, no one goes hungry, no more hungry Filipinos.”
“And that’s what we are trying to do. We cannot go back to what we used to do. We cannot do the same things and expect to have a good result.”
Gayundin, inihayag ng Pangulo na nais din niyang baguhin ang economic policies ng bansa para sa mas mahusay na kalakalan at pamumuhunan maging kapayapaan at kaayusan.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) poll, tumaas ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa 14.2% noong March mula 12.6% noong December 2023. RNT/SA