Home ENTERTAINMENT Heart, pinaha-hunting ang basher!

Heart, pinaha-hunting ang basher!

Manila, Philippines – Napipikon din pala si Heart Evangelista?

Oh, yes, Heart is very  much like everyone else!

Ikinapikon kasi ng Queen of Creative Collaborations ang maangas na comment ng isang netizen.

Ayon sa netizen, maganda raw kasi si Heart dahil walang anak.

Pinuri nga ang fashion icon, ininsulto naman sa paliwanag.

Hindi na nakatiis si Heart who retaliated: “Wait lang, ha? Napikon ako! But I cannot address you properly, and I will not address you properly coz it’s not your real account!”

Na-detect agad ni Heart na “troll” ang nang-okray na netizen.

Just the same, pinatulan pa rin ‘yon ng misis ni Sen. Chiz Escudero to stress her point.

“I lost four babies already,” simula niya, apparently asking for the netizen’s compassion.

At kaya raw maganda siya’y walang kaugnayan ‘yon sa ‘di niya pagkakaroon ng anak.

Araw-araw daw siyang nagpapa-derma to maintain her beauty.

Most of all, “I live a grateful and peaceful life!”

Dahil aminadong napikon, nagpapatulong si Heart sa mga netizens na hantingin ang nag-comment na ‘yon.

“Tawagin n’yo si Bungo!” pahabol ni Heart.

Sa isang banda, ikinaaliw naman ng ilang netizens ang pagpatol ni Heart sa dahilang kahit pikon na’y maganda pa rin.

Heart went on to make the netizens realize the struggles she went through having lost four babies. Ronnie Carrasco III