Home ENTERTAINMENT Solo concert ni Gabby, ‘di matutuloy?

Solo concert ni Gabby, ‘di matutuloy?

Manila, Philippines – Mukhang magkakaroon ng malaking pagbabago sa “sideline” ni Gabby Concepcion.

Tulad ng alam ng lahat, kilalang mahusay na aktor si Gabby na madalas mapanood sa TV.

The actor dabbles in singing.

Ito ang naging raket ni Gabby habang naninirahan noon sa Amerika.

A non-professional singer that he is, tinanggap pa rin siya ng kanyang mga tagahanga roon.

Walang choice si Gabby kundi karirin o panindigan na ang pagiging singer, learning a good number of shows and performing them to a hilt.

Gabby’s biggest break though ay nangyari sa reunion concert nila ni Sharon Cuneta last year.

Ito nga ‘yung Dear Heart concert, inspired by their movie together which launched their loveteam.

Balitang may kasunod pa dapat ito kung hindi dahil sa llang aberya from Gabby’s end as alleged by Sharon.

But it should be least of Gabby’s worries dahil balitang puwede naman siyang magtanghal ng solo concert.

Balitang bago namatay ang stage/ TV director na si Floy Quintos ay nakipag-meeting ang kampo ni Gabby rito.

May kinalaman daw ang meeting na ‘yon sa plano ng kampo ni Gabby to stage a solo concert.

Posibleng main guest performer ay ang anak nila ni Sharon na si KC Concepcion.

Kaso, sa ‘di inaasahang pagkakataon ay namaalam bigla ang dapat sana’y magdidirek nito.

Ibig kayang sabihin ay isasantabi na ng kampo ni Gabby ang kanilang concert plan?

Can they not engage the services of a different artistic director gayong puwede naman?

With Gabby more determined to be on his own, ibig bang sabihi’y huwag nang umasa ang mga Sharon-Gabby fans na muling mapanood ang kanilang mga idolo in yet another concert? Ronnie Carrasco III