Home ENTERTAINMENT Vivamax stars, nag-audition kay Kuya Wil!

Vivamax stars, nag-audition kay Kuya Wil!

Manila, Philippines – Recently ay isinagawa ang malawakang auditions para sa mapipisil na co-host ni Willie Revillame sa kanyang palatuntunan sa TV5.

Ginanap ito sa Wil Tower na pag-aari niya na matatagpuan sa Quezon City.

Nagsimula ang auditions bandang alas singko ng hapon na tumagal hanggang hatinggabi.

Balitang kabilang sa mga sumalang sa auditions ay ilan sa mga Vivamax stars.

Ang lahat ng mga nakipagsapalaran sa naturang proseso ay nabigyan ng pagkakataong magpakita ng kanilang talento.

Sa ngayon ay wala pang definite airing date ang pilot episode ng programa ni Willie na nauna nang napaulat na ka-back to back ng Eat Bulaga sa TV5.

Bago ang auditions ay nagsadya muna si Willie sa kabyang magiging studio sa TV5 Compound sa Novaliches.

Under renovation ang studio na nagsilbing tahanan ng kanyang mga show tulad ng Willing-Willie mula 2011-2013.

Balitang sa malaking venue isasagawa ang pilot episode ng still-untitled program.

Matatandaang nakipagpulong noon si Willie sa mga TV executives ng PTV4 at IBC 13 para sa posibleng simulcast ng kanyang show.

Inaasahang marami na namang mga kababayan natin ang matutulungan ng public service program ni Willie na hinaluan ng entertainment. Ronnie Carrasco III