Home ENTERTAINMENT Wilbert, nakikipagsabayan sa ‘Piliin Mo ang Pilipinas Challenge!

Wilbert, nakikipagsabayan sa ‘Piliin Mo ang Pilipinas Challenge!

Screenshot

Manila, Philippines – Gaya ng ipinangako ng sikat na content creator at influencer na si Wilbert Tolentino ay inilabas na niya ang kanyang version ng Piliin mo ang Pilipinas challenge na ngayon ay isa na sa mga most viewed video sa socmed.

Ito ay matapos mag-viral ang version ni Wilbert ng Asoka Makeup challenge na as of present time ay may 13.2M views sa Tiktok, 4.6M sa Fanpage at may 1.2M sa IG.

Lumevel si KaFreshness Wilbert sa version ni Vice Ganda ng Piliin mo ang Pilipinas na may pagka-social relevant ang dating dahil flinex naman ng una ang iba’t-ibang kultura at tradisyonal na pananamit ng iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas, mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Very obyus na ginastusan ng malaki ang iba’t-ibang national costume na ginamit ni Wilbert na gawa ng magagaling na fashion designers gaya nina Kani Francisco at Patrick Isorena.

For the record, nang in-upload ang video ni KaFreshness ng version niya ng Piliin mo ang Pilipinas sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino ay nakakuha agad ito ng 6.4M sa loob ng isang araw. Naka-11.7M views naman ito after 3 days.

Informative and entertaining ang version ni KaFreshness ng Piliin mo ang Pilipinas challenge  bukod pa sa nakaka-proud maging Pinoy kapag pinanood ito sa kabuuan.

FYI, 10 hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Piliin mo ang Pilipinas challenge.

Way to go, Sir Wilbert! JP Ignacio