Home METRO ‘Glue lady’ na bumibiktima ng seniors na nagwi-withdraw sa ATM nasakote!

‘Glue lady’ na bumibiktima ng seniors na nagwi-withdraw sa ATM nasakote!

MANILA, Philippines – Arestado ang isang babaeng tinaguriang “Glue Lady” dahil sa umano’y pagnanakaw ng pera sa mga senior citizen na nag-withdraw sa ATM Machines.

Nagawang maaresto ang babae sa isang operasyon sa Lipa, Batangas, ayon kay PNP PRO4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas.

“Ang modus niya ay kunwari aalalayan niya ang mga matatanda para makapagwithdraw. Yun pala, gagamit siya ng glue at pag umalis na yung biktima, siya na ang magwiwithdraw ng pera,” ani Lucas/

Batay sa ulat ng pulisya, nilagyan ng glue ng suspek ang ATM keypad para mukhang sira.

Nang hikayatin ng suspek ang biktima na humingi ng tulong sa mga guwardiya, tinanggal niya ang pandikit at nag-withdraw sa account.

Nagawa ng suspek na manloko ng mga biktima sa Rizal, Batangas, at iba pang lugar sa labas ng CALABARZON.

Siya ay may mga naunang inaresto para sa parehong krimen limang taon na ang nakalilipas.

Iniimbitahan naman ng CALABARZON Police ang iba pang posibleng biktima na magsampa ng reklamo laban sa suspek. RNT