Home ENTERTAINMENT Vivamax, naka-11M na, hindi titigil sa pasabog!

Vivamax, naka-11M na, hindi titigil sa pasabog!

Manila, Philippines – Literal na umulan ng sex sirens sa celebration ng Vivamax sa Viva Cafe nang umabot na sa 11M ang subscriber ng nasabing streaming app.

Present ang halos lahat ng mga Vivamax stars kasama ang mga big boss ng Viva na sina Boss Valerie at Vincent del Rosario.

Si Boss Val ang vice president ng content creation and development ng Viva.

“Ang pasabog ng Vivamax, definitely hindi titigil and happy kami dahil umabot tayo sa 11M at marami pang aabangan.

“We are also going to release risky contents na masu-surprise ang nga loyal sibscribers.

“And of course, hindi tayo susuko sa cinema dahil gagawa pa rin tayo ng quality films kung saan kilala ang Viva. We just want to entertain audience,” sabi ni Boss Val.

Binanggit naman ni Boss Vincent na hindi lang Pinoy ang audience ng Vivamax kundi nagsu-subscribe na rin daw pati ang ibang lahi.

“It was really intended sa mga Pinoy pero nu’ng nag-overseas na, we didn’t expect na appealing sa audience ang different stories.

“Like sa Indonesia, yung mga movies natin doon, meron ng Bahada subtitles, ganu’n din in Europe, sa UK and may India pa.

“‘Yung content natin is resonating beyond our kababayan kaya testament ito na ang magandang kuwento plus beaitiful ladies and male talents ang magandang formula.

“Happy kami kasi it goes beyond what is expected,” sabi naman ni Boss Vincent.

Ngayong naka-11M subs na ang nasabing streaming app ay binanggit ni Boss Val and Vincent na most viewed pa rin ang mga movies nina Azi Acosta at Angelie Khang kasama na rin si Yen Durano at Cristine Bermas.

Dagdag naman ni Boss Val na happy sila sa mga Vivamax star na nagko-crossover sa TV gaya ni Angelie na napapanood na sa Black Rider ng GMA7.

Ipinakilala rin sa party ang 11 na bagong Vivamax artists kasama sina Jenn Rosa, Dyessa  Garcia, Rica Gonzales, Christy Imperial, Arah Alonzo, Vern Kaye, Athena Red, Alessandra Cruz, Candy Veloso, Mariane Saint, at Skye Gonzaga. JP Ignacio