Home METRO Kagawad todas sa ambush

Kagawad todas sa ambush

ZAMBOANGA DEL SUR- Patay ang isang barangay kagawad matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang ligtas naman ang sakay nito, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si barangay kagawad Joemar Requilme, 37, ng Barangay Lantawan, San Miguel Zamboanga del Sur habang nakaligtas naman ang kasama nito na kinilala sa pangalan Janny, 26.

Batay sa report ng San Miguel Municipal Police Station, bandang alas-5:40 ng hapon noong Sabado naganap ang krimen sa Barangay Lazermanas, Brgy. Poblacion, ng bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Requilme ang kanyang Honda XRM angkas si Janny at binabaybay ang nasabing lugar.

Bigla na lamang hinarang ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at ang daanan ng biktima saka ito pinagbabaril habang nakatalon naman sa motorsiklo si Janny at tumakbo palayo.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Margosatubig ng nasabing bayan.

Isinugod naman ng mga concerned citizen ang biktima sa Margosatubig Regional Hospital subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Ayon kay Police Col. Restituto Pangusban, director ng Zamboanga del Sur police, nagpapatuloy ang kanilang ginagawang follow-up investigation para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa pagdakip.

Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa politika ang motibo sa magkakasunod na pamamaslang sa tatlong apat na opisyal ng barangay kabilang ang tatlong punong barangay sa probinsya ng Maguindanao. Mary Anne Sapico