Home METRO Kahandaan sa sakuna siniguro ng NGCP

Kahandaan sa sakuna siniguro ng NGCP

237
0

MANILA, Philippines – Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Huwebes, Hulyo 24 na lahat ng kinakailangang paghahanda at pag-iingat ay inilagay na upang limitahan ang epekto ng Bagyong Emong, Tropical Storm Dante, at habagat sa mga transmission lines at pasilidad.

Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na ipinapatupad nito ang Integrated Disaster Action Plan (IDAP), na kinabibilangan ng mga pre-positioning line crew sa mga strategic na lugar, pagsuri sa mga kagamitan sa komunikasyon, at pagtiyak ng  agarang pagkukumpuni sa mga nasirang pasilidad ng transmission.

“These preparations are crucial to ensure the reliability and swift restoration of power in areas that may be affected by the weather disturbances,” saad nito.

Ayon sa weather bureau, sa kanilang 11 a.m. bulletin, na si Emong ay gumagalaw nang mabagal sa timog-silangan, na ang sentro ay tinatayang nasa 220 km. kanluran timog-kanluran ng Bacnotan, La Union o 210 km. kanluran ng Dagupan City, Pangasinan. Taglay nito ang maximum sustained winds na 120 km. kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.

Sa 11 a.m. bulletin para naman kay Dante, tinatayang nasa 735 km. silangan ng hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph at taglay ang maximum sustained winds na 75 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kph. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here