Home ENTERTAINMENT Kaila, may hanash sa travel tax, na-bash pa!

Kaila, may hanash sa travel tax, na-bash pa!

2
0

Manila, Philippines – Imbyerna si Kaila Estrada sa travel tax na ipinatutupad sa bansa.

Sa kanyang Instagram story, inilabas ni Kaila ang kanyang hanash kaugnay ng pagbabayad niya ng nasabing buwis.

Nag-post siya ng mga photos ng isang airport area habang kinukuha ang kanyang boarding pass.

Dito na “sumabog” ang aktres: “Isa pa ito. Filipinos pay worldclass taxes, but too often receive third-world public service in return. Legal na holdap!”

Sumang-ayon naman ang mga netizens sa tinuran ni Kaila.

Anila: “Thank you for raising your voice!”

“She’s not wrong!”

Aba, may nam-bash din kay Kaila!

“Bili na lang siya ng sariling eroplano, tutal may sarili naman siyang airport na malawak!” sey ng basher.

Talaga lang, ha? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here