Home OPINION KAKAIBANG GALAW NI SECRETARY BAUTISTA

KAKAIBANG GALAW NI SECRETARY BAUTISTA

GUMANAP ng kakaibang papel si Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Mayo 16 nang magtungo sa Cordillera.

Bukod kasi sa pagiging Department of Transportation Secretary, siya rin ay Cabinet Officer for Regional Development and Security o CORDS para sa Cordillera Region.Pinamamahalaan niya ang galaw ng Cordillera Regional Task Force to End Local Communists Armed Conflict.

Sa kababaang-loob ng mamang ito, pinulong niya ang RTF-ELCAC sa mismong tanggapan ng kanyang ahensiya ang DoTr Central Office sa San Juan City.

Lahat ng miyembro ng CORDS Cordillera RTF-ELCAC ay nag-ulat kay Bautista ng kani-kanilang sitwasyon kabilang sina DILG-CAR Regional Director Araceli San Jose at ELCAC Regional Focal Person Randolf Ligligon na kapwa nagsabing mahalagang maipresenta sa kalihim ang mga aksyon na kanilang ginawa para sa rehiyon.

Ipinaliwanag ng dalawa na ang istraktura ng samahan, mga galaw at mga napagtagumpayan ng mga aspeto gaya ng sa insureksyon at terorismo.

Nagbigay din ng mga ulat ang mga namumuno at kinatawan ng ‘regional line agencies’, kasama ang pulisya at si 5th Infantry Division Commander na si Maj.Gen. Audrey Pasia ng Peace, Law Enforcement, and Development Support; NICA-CAR Regional Director Camilo Balutan para sa Situational Awareness and Knowledge Management; PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo para sa Strategic Communication; OPAPRU Director Christina Umali para sa Local Peace Engagement; DPWH-CAR Lawyer Rex Paderes para sa Infrastructure and Resource Management; at Brenda Pekas ng DA-CAR na nag-ulat naman sa Poverty Reduction, Livelihood, and Employment.

Iprinisinta din ng DILG-CAR ang mga Basic Services; Local Government Empowerment; at Sectoral Unification, Capacity Building, Empowerment, at Mobilization.

Si Col. Jeremias Oyawon ng PRO-Cor ay ipinakita din ang kanilang galaw sa RTF-ELCAC Cordillera Operations Center, at ang AVP ng Legal Cooperation Cluster mula sa Department of Justice.

Inalam din ni Bautista ang sitwasyon nang paglalatag ng NTF-ELCAC flagship programs gaya ng Support to Barangay Development Programs, ang Retooled Community Support Program, at ang Capacitating Urban Communities for Peace and Development.

Natuwa si Bautista sa mga iniulat at nalamang mga impormasyon kung paano gumagana ang Cordillera RTF-ELCAC.

Pinasalamatan niya ang lahat ng kabilang sa RTF-ELCAC Cordillera gaya ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at ang suporta ng local government units sa rehiyon.

Aniya, mawawala ang mga angal ng iba nating kababayan kung ang lahat ay magsasama-sama para sa kapayapaan at kaunlaran at ipinangako niya ang kanyang todo-suporta sa RTF-ELCAC upang maiparating sa national leadership ang mga karaingan at pangangailangan ng region para lalo itong umunlad.

Iyan ang kakaibang galawan ni Bautista. Basta sa ikauunlad ng bayan, si Bautista ay talagang maaasahan.