Home NATIONWIDE Kakulangan ng principal sa 50% ng public schools, ikinabahala ni Gatchalian

Kakulangan ng principal sa 50% ng public schools, ikinabahala ni Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senate President Win Gatchalian ang patuloy na kakulangan ng mga principal o punong-guro sa mga pampublikong paaralan na lubhang nakakabahala sa sistema ng edukasyon.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na umabot hanggang 50% o 23,000 sa 45,928 ng pampublikong paaralan sa buong bansa ang wala pang principal.

Humiling ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang P10.52 billion upang lumikha ng 14,126 School Principal I positions.

“Sa susunod na taon ito ang problema natin: wala tayong pondo para sa paglikha ng mga posisyon para sa mga principal. Isa ito sa mga nais nating tugunan pagdating sa pagpapatakbo ng ating mga paaralan,” pahayag ni Gatchalian sa isang pagdinig kamakailan tungkol sa panukalang 2027 budget ng DepEd at mga kalakip nitong ahensya.

Binigyang-diin ng Senate President ang kahalagahan ng pagtugon sa kakulangan ng mga principal sa mga pampublikong paaralan. Aniya, mahalaga ang papel ng mga principal sa pagbibigay ng mahusay na pamumuno at pagpapataas ng morale ng mga guro.

Ayon naman kay Education Undersecretary Wilfredo Cabral, maaaring mapunan ang ilan sa mga principal positions sa pamamagitan ng reclassification ng mga Head Teacher at Teacher-in-Charge sa ilalim ng Expanded Career Progression System, na pinaglaanan ng P12.09 billion sa National Expenditure Program (NEP).  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here