Home NATIONWIDE Kalagayan ng kuryente sa bansa pinasusuri sa harap ng paghahanda sa ...

Kalagayan ng kuryente sa bansa pinasusuri sa harap ng paghahanda sa La Niña

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa La Niña, nanawagan ang ilang mambabatas na tiyaking walang aberya sa nagsusuplay ng kuryente.

Ayon kay Rep. Jefferson “Jay” Khonghun (Zambales, First District) mahalaga ang maagap na paghahanda sa nalalapit na tag-ulan at kagyat na aksyon upang hindi makaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng mga Filipino, partikular na ang suplay ng kuryente.

“La Niña is not just a weather event; it is a potential disruptor of daily life and economic activities. We cannot afford to wait until it strikes to realize that we are unprepared. The power companies must assure us that they have contingency plans in place,” ayon kay Khonghun.

“Our energy infrastructure has to be resilient. Any weakness in our power grid could lead to severe consequences for our people and economy,” dagdag pa ng mambabatas.

Ganito rin ang pananaw ni Rep. Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, First District), na binibigyang-diin ang kahalagahan ng maaasahang kuryente sa ganitong mga panahon.

“Our constituents rely heavily on consistent power supply for their day-to-day needs and safety. Any lapse could have dire consequences. We need transparency and proactive measures from our power providers to mitigate any risks associated with La Niña,” ayon kay Alonto.

“It is the duty of power companies to provide clear communication and updates to the public, ensuring that everyone is adequately prepared,” dagdag pa ng kongresista mula sa Mindanao.

Nagpahayag naman ng pangamba si Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez (1-Rider Partylist) sa kasalukuyang kalagayan ng power infrastructure.

“We need a thorough assessment of our current capabilities and immediate action to address any identified gaps,” ani Gutierrez.

Panawagan naman ni Rep. Francisco Paolo Ortega (La Union, First District), ang sama-samang pagsisikap sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor.

“It is imperative that both the government and power companies work hand in hand to ensure that every Filipino household has access to electricity throughout this period. We need coordinated efforts and clear communication channels,” ayon kay Ortega.

Nais ding malaman ni Rep. Faustino “Inno” Dy (Isabela (6th District) ang kahandaan ng power sector sa nalalapit na La Niña:

Hinimok din ni Rep. Jill Bongalon (AKO-Bicol Partylist) ang pagbibigay ng atensyon sa pagkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa problema,

Kapwa nanawagan ang mga kongresista sa Department of Energy at mga kaukulang ahensiya na magsagawa ng masusing pagsusuri at paghahanda upang matiyak na lahat ng kinakailangang hakbang ay nasa tamang lugar. Gail Mendoza