Bulacan – Huli ang motorcycle rider na umanoy may maingay na tambutso, nagpakilalang pulis at nasamsaman ng replica pistol sa checkpoint operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue, gabi ng Setyembre 10.
Sa report ng Bocaue police station, pinatigil nila sa checkpoint ang isang rider na lulan ng Yamaha NMAX, na walang suot na helmet at may maingay na tambutso.
Nang makaharap nila ang rider ay nagpakilala itong pulis na may ranggong P03, nakatalaga umano sa Pangasinan at batch 2023.
Dahil dito, naghinala ang mga pulis at nang hingan ng PNP ID o anumang pagkakakilanlan ay walang maipakita at natuklasang may dala itong replica pistol kaya ito inaresto.
Nahaharap ang suspek na si alyas “Parak” sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa RA 10591. Dick Mirasol III