Home NATIONWIDE Kampanya vs fake news, deepfakes palalakasin ng gobyerno

Kampanya vs fake news, deepfakes palalakasin ng gobyerno

102
0

MANILA, Philippines – Pinalalakas ng pamahalaan ang kampanya laban sa misinformation at deepfakes, sa pamamagitan ng mas mahigpit na koordinasyon ng mga ahensya upang matiyak na napapanatili ang digital evidence kahit ma-takedown ang content sa internet.

Ayon kay ICT Secretary Henry Aguda, may umiiral nang kasunduan ang DICT sa iba’t ibang online platforms tulad ng Meta, YouTube, at TikTok para sa “evidence preservation” ng mga nilalamang may maling impormasyon o manipulasyon.

“What happens in the internet stays in the internet, naka-preserve po iyan,” ani Aguda. “Ipe-preserve po nila ang ebidensya… hindi po, nagi-stay po doon.”

Nilagdaan ng Presidential Communications Office (PCO), Department of Justice (DOJ), at DICT ang isang memorandum of agreement (MOA) nitong Lunes para palakasin ang pagtutulungan laban sa fake news.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, layunin nito ang pagbuo ng isang unified government framework laban sa maling impormasyon, kabilang ang mga post tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We are currently in the process of compiling the pieces of evidence and hopefully within the week mapangalanan na namin ang source nitong fake news at masampahan namin ng reklamo sa Department of Justice,” ani Gomez.

Nauna na ring naghain ng reklamo ang PCO laban sa mga nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas” kaugnay ng umano’y maling impormasyon tungkol sa “energy lockdown” sa bansa.

Sinabi naman ni DOJ Secretary Frederick Vida na patuloy na igagalang ng gobyerno ang kalayaan sa pananalita, ngunit mananatiling malinaw ang hangganan sa pagitan ng “criminal information and protected speech.”

“True to our mandate, the DOJ pledges consistent application of the law paired with pubic education,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here