Home NATIONWIDE Kampo ni Arroyo itinangging may balak ipa-impeach si Remulla

Kampo ni Arroyo itinangging may balak ipa-impeach si Remulla

1
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng kampo ni dating Pangulong at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na may kinalaman siya sa umano’y planong impeachment laban kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ayon sa abogado ni Arroyo na si Joseph Frianeza, walang alam at walang kinalaman ang dating pangulo sa ulat na kumalat sa social media na nagsasabing may planong magsampa ng impeachment complaint laban kay Remulla.

Sinabi rin ni Frianeza na hindi matiyak ang pagkakakilanlan ng Facebook blogger na naglabas ng naturang post at iginiit na ang naturang Facebook page ay naglalaman umano ng maraming mapanira at gawa-gawang impormasyon.

Ang Ombudsman ay isa sa mga opisyal na maaaring ma-impeach sa ilalim ng 1987 Constitution. Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here