Home ENTERTAINMENT Kampo ni Jojo, ibinulgar ang malaking utang ni Mark!

Kampo ni Jojo, ibinulgar ang malaking utang ni Mark!

260
0

Manila, Philippines- Hala!

May kontrobersiya na naman na kinakaharap si Mark Herras.

Of late kasi ay nagpahayag ang Revival King na si Jojo Mendrez at ang kanyang management team ng reklamo laban kay Mark dahil sa ilang mga insidente, kasama na rito ang pagbubulgar diumano sa perang nakuha ng Kapuso actor sa kanila.

Kung matatandaan ay usap-usapan ang viral pic nina Jojo at Mark sa isang hotel and casino.

Bukod dito ay naging talk of the town din ang pagpunta ni Mark sa isang mediacon ni Jojo kung saan ay inabutan pa nito ng bouquet of flowers ang singer.

Pero ngayon ay iba na ang ihip ng hangin.

“Close chapter” na raw ang MarJo, o ang tambalan nina Mark at Jojo.

Ayaw na raw nilang magkaroon ng kaugnayan kay Mark.

Detalyadong nagsalaysay si David, manager ni Jojo, at inisa-isa nito ang pagkadismaya nila sa aktor.

Ayon kay David, malaking halaga diumano ang nakuha ni Mark kay Jojo bilang utang, mula sa pakiusap ng aktor dahil sa pangangailangan nito.

Posibleng kausapin nila ang isang abugado para sa utang ni Mark.

Isa pa sa disappointment ni Jojo ay nang umalis daw si Mark para mag-present ng award sa nakaraang Star Awards for TV kasama si Jojo, at di na bumalik, gayong bayad ito in advance.

Buti na lang ay sinalo ito ni Rainier Castillo na siyang nag-substitute kay Mark.

Isa pa sa mga rason para dumistansya si Jojo ay ang diumano’y pagbabanta ni Mark sa manga-awit, ayon pa kay David
Posibleng ang pagiging malapit na magkaibigan ngayon nina Jojo at Rainier ang dahilan ng selos, kung ito ang nga ang totoong naramdaman ni Mark kay Rainer.

Nalaman daw kasi ni Mark na binigyan ng cellphone ng singer ang kapwa Starstruck star.

Sa tanong kung hahabulin ba ni Jojo si Mark sa mga nakuha nito sa kanya, kailangan daw ay mag-usap muna sila ng aktor bago siya mag-desisyon.

Si Jojo ang umawit ng “Somewhere in my Past” na unang pinasikat ng yumaong 70’s teen star na si Julie Vega.

Ito ang unang collab nina Jojo at Mark kung saan merong honororium fee na natanggap ang huli.

At ngayon ay ang original song naman na komposisyon ni Jonathan Manalo na “Nandito Lang Ako” ang kanyang latest single.

Bukas ang pahinang ito para sa anumang paliwanag, paglilinaw, at depensa ni Mark sa isyung ito. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here