Home HOME BANNER STORY Kandidato sa pagka-konsehal todas sa pamamaril

Kandidato sa pagka-konsehal todas sa pamamaril

97
0

MAGUINDANAO DEL SUR- Patay ang isang barangay kagawad na tumatakbong konsehal matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem suspects, kahapon sa bayan ng Datu Hofer.

Kinilala ang biktimang si Toto Gogo Kensa, 45, residente ng Barangay Labu labu 2, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Lieutenant Albert Pansoy Jr., hepe ng Datu Hoffer Municipal Police Station, naganap ang krimen sa kahabaan ng national highway ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang misis nitong si Bai Norhaya Kensa galing palengke at pauwi na sana sa kanilang tahanan.

Bigla na lamang silang dinikitan ng riding-in-tandem at binaril nang malapitan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay habang masewerte namang nakaligtas ang misis nito.

Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Si Kensa ay tatakbong Municipal Councilor sa bayan ng Datu Hoffer sa nalalapit na 2025 midterm election.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ay ang away-politika.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Colonel Roel Serese, Maguindanao del Sur police director, na bumuo ng Special Investigation Task Group para mapabilis ang gagawing imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here