MIDSAYAP, North Cotabato – Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang ambush na ikinamatay ni Jerry Beltran Dofredo, isang kandidato sa konseho ng bayan, sa Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte.
Nangyari ang pag-atake noong gabi ng Enero 18, sa hangganan ng Barangays Katinggawan at San Isidro sa Midsayap.
Si Dofredo, 46, ay nasawi habang pauwi gamit ang kanyang motorsiklo, matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek na may kanya-kanyang motorsiklo. N
agtamo siya ng anim na tama ng bala at agad pumanaw.
Si Dofredo, na kandidato mula sa Muslim-Christian Democrats Party, ay dating naging kapitan ng barangay at konsehal ng bayan. Ayon sa pamilya, wala siyang kilalang kaaway.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga posibleng motibo sa pagpatay. RNT