Home METRO Kanlaon nagbuga uli ng abo – PHIVOLCS

Kanlaon nagbuga uli ng abo – PHIVOLCS

337
0

MANILA, Philippines – Isang ash emission ang naganap muli sa summit crater ng Kanlaon Volcano nitong Linggo ng gabi, Nob. 2, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ahensya, nagsimula ang aktibidad alas-9:15 ng gabi at tumagal hanggang alas-10:33 ng gabi.

Ayon sa PHIVOLCS natukoy ang kaganapan sa pamamagitan ng infrasonic signal at ng Kanlaon Volcano Observatory–Lower Masulog (VKLM) thermal camera.

Samantala, sinabi ng ahensya na ang Alert Level 2 ay nananatiling may bisa sa Kanlaon Volcano.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang apat na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibleng biglaang phreatic explosion at manatiling mapagbantay laban sa ashfall at lahar hazards, lalo na sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Nauna rito noong Linggo ng hapon, Nob. 2, naitala ng Phivolcs ang hiwalay na pagbuga ng abo sa summit crater ng Kanlaon Volcano na nagsimula noong 1:48 p.m. at natapos ng 2:25 p.m. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here