Home NATIONWIDE Karagdagang tulong para sa mpox victims hirit ni Pope Francis

Karagdagang tulong para sa mpox victims hirit ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Binanggit ni Pope Francis nitong Linggo ang mga biktima ng mpox virus sa kanyang lingguhang mga panalangin at nanawagan sa mga gobyerno at industriya ng parmasyutiko na gumawa ng higit pa upang makakuha ng mga bakuna para sa mga bansang pinakamalubhang naapektuhan.

“I pray for all the infected people, in particular the population of Democratic Republic of Congo, so affected, I express my closeness to the local churches most touched by this disease,” sinabi ni Pope sa kanyang Angelus prayers sa St Peter’s Square.

Idineklara ng World Health Organization ngayong buwan na isang pandaigdigang emerhensyang pangkalusugan ang pagtaas ng mga kaso ng mpox mula DR Congo patungo sa ibang mga bansa sa Africa.

Nanawagan din ito para sa mas malawak na produksyon at pagbabahagi ng mga bakuna.

“I encourage governments and private industry to share the technology and available treatments so that nobody lacks adapted medical care,” giit  ng papa.

Bagama’t kilala ang mpox sa loob ng ilang dekada, isang bagong mas nakamamatay at mas naililipat na strain—na kilala bilang Clade 1b—ang nagtulak sa kamakailang pag-akyat ng mga kaso.

Ang Clade 1b ay nagdudulot ng kamatayan sa humigit-kumulang 3.6 porsyento ng mga kaso, na mga bata ang mas nasa panganib, ayon sa WHO.

Ang virus ay kumalat sa DR Congo, pumatay ng higit sa 570 katao sa taong ito. Ang mga outbreak ay naiulat sa Burundi, Kenya, Rwanda at Uganda mula noong Hulyo. Ang unang kaso sa Europa ay naiulat sa Sweden noong nakaraang linggo.

Ang virus ay maaaring kumalat mula sa mga hayop patungo sa mga tao ngunit gayundin sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng close physical contact. Jocelyn Tabangcura-Domenden