MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng 56% sa mga insidenteng may kaugnayan sa eleksyon sa 2025 midterm elections kumpara sa 2023 barangay elections.
Gayunpaman, kahit mas mababa ang 46 na validated election-related incidents ang naitala ngayong taon kumpara noong 2023 na may 105 insidente, mas mataas naman ito sa 27 insidente na naitala noong 2022.
Pinuri ng mga opisyal ng PNP ang mga pagsisikap ng mga pulis at mga katuwang na ahensya para sa isang maayos na halalan.
Ang ilang minor na isyu, tulad ng pagkasira ng mga makina at pagka-antala ng pagbubukas ng mga presinto, ay agad na na-aksyunan at hindi naging banta sa seguridad.
Patuloy ang imbestigasyon sa mga insidente ng pagbili ng boto at paglabag sa liquor ban.
Bagamat bumaba ang mga insidente, nanatiling naka-high alert ang mga pwersang pulis hanggang Mayo 15, na sinusuportahan ng higit sa 163,000 na mga pulis at mga tauhan mula sa AFP at PCG. RNT