Home ENTERTAINMENT Karen, wala raw ‘respeto’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Karen, wala raw ‘respeto’!January 31, 2025 12:17 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – “Bida” ngayon si Karen Davila sa social media dahil sa kanyang “mapangahas” na panayam kay Sam Milby.‘Yun nga lang, nakatikim ng sermon ang batikang broadcast journalist dahil sa kawalan ng respeto.Ang eksena, kasamang nagmo-motocross ni Sam ang mga kaibigang sina Gerald Anderson, John Prats, Sancho de las Alas at Jake Cuenca.Naitanong ni Karen si Sam kung naisakay na raw ba nito si Catriona Gray.Tulad ng inisip at alam ng nakakarami, for some reason ay natuldukan na ang relasyong Catriona-Sam.In fairness, game namang sinagot ni Sam ang tanong ni Karen.Pero hindi nagustuhan ng karamihang netizens ang pagiging “Marites” ni Karen.Obyus daw kasing naka-move on na ang dating magkasintahan, so anong point ni Karen na balikan ang kanilang nakaraan?Pa-simpleng Marites daw ang peg ni Karen who should have accorded her subject with respect.Dagdag pang comment ng mga netizens, mag-hard news na lang si Karen–ipaubaya na ang showbiz news sa ibang mas karapat-dapat!Luh! Ronnie Carrasco III