Manila, Philippines– Naglabas ng kanyang saloobin si Karla Estrada sa big success ng pelikula ni Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello Love Again.”
Nakausap namin si Karla sa red carpet ng bagong action-drama series na “Incognito” sa ginanap na grand mediacon nito.
“Of colurse lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi yan, ‘di ba? Kapag pataas magkakasama tayo sa industriya. I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden,” pahayag ni Karla.
Hini pa nakikita ni Karla si Kathryn kaya ‘di pa niya raw nako-congratulate ng personal ang ex-girlfriend ng anak niyang si Daniel Padilla.
Bida sa “Incognito” sina Daniel, Richard Gutierrez at Ian Veneracion sa direksyon ni Lester Ong Pimentel and produced by Star Creatives.
Dumating si Karla sa grand mediacon ng “Incognito” para suportahan si Daniel pati na ang iba pang kasama ng kanyang anak sa bagong action series na mauunang mapanood sa Netflix on January 17 (Friday), sa iWantTFC on January 18 (Saturday).
Say ni Karla, “Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support syempre natin sa bagong palabas especially sa anak ko kay Daniel,” ani ni Karla.
Happy syempre si Karla sa pagbabalik-serye ng kanyang anak na si Daniel.
“Yes, actually, hindi lang ako ung natuwa lalo na si Daniel,” sabi ni Karla.
“Kasi, naging handa siya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksyon na palabas. Kasi yan talaga actually, ang halos hindi pa niya nagagawa. Nakagawa na siya ng drama, comedy and all.
“Eto kasi all-out action. Happy siya with (his) Tito Ian, Richard Gutierrez and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga siya, marami siyang natutunan, ha, sa aksyon.”
Marami ang curious kung ano ang mga pinagkaabalahan ni Daniel after ng hiwalayan nila ni Kathryn bukod sa pag-shoot ng “Incognito” sa Italy at sa El Nido, Palawan.
“Well, alam mo yan, hindi naman mapakali sa buhay niya. Ang dami niyang negosyong binuksan, ‘di ba, and workshop. Hindi siya naglubay para kapag dumating yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready siya,” diin ni Karla.
May pa-reveal pa si Karla sa amin na abangan si Daniel sa malaking pelikula nito next year. Isang action film daw ito.
Nag-share rin si Karla ng kanyang naramdaman para sa anak na si Daniel nu’ng inisplitan ni Kathryn.
“Alam mo ang nanay ang unang nalulungkot kapag malungkot ang mga anak. Kapag may pinagdadaanan ang mga anak mas gusto mo kunin na lang ang mga pinagdadanaan nila.
“Pero, tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila di ba? Paano pag mamaya mawala na tayo? So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila.”
Magisa na raw namumuhay ngayon si Daniel.
“Lalaki yan,” sambit ni Karla. “Actually, kahit yung mga girls ko na anak, they’re very independent.”
Madiin namang itinanggi ni Karla na may bagong girlfriend na si Daniel. Julie Bonifacio