Manila, Philippines – Who says that Karla Estrada has nothing good to say about Kathryn Bernardo just because hindi na ito karelasyon ng kanyang anak na si Daniel Padilla?
On the contrary, ipinaabot ni Karla ang kanyang congratulatory message sa Kapamilya actress.
Partikular na gustong i-congratulate ng celebrity mom si Kathryn for the worldwide box office success ng Hello Love Again nila ni Alden Richards.
Officially kasi, more than P1 billion na ang kinita ng nasabing KathDen reunion movie, making it as the highest grossing Filipino film of all time.
HLA has even surpassed Rewind of Dingdong Dantes and Marian Rivera na naka-P920 million in gross take.
Going back to Karla, hindi pa nga lang niya naitatawid ang pagbati kay Kathryn dahil: “Hindi pa kami nagkikita nang personal.”
Pero proud siya of Kathryn and Alden, at obyus namang sincere siya.
“Ang paniniwala ko kasi, pag magkakasama sa industriya, dapat naghihilahan tayo pataas!” saad niya.
Karla got interviewed nang umattend ng Incognito event bilang suporta kay Daniel who’s in the cast.
Action ang tema nito na kakaiba sa mga genre na nagawa ng anak.
Hindi naman daw kataka-taka kung mag-excel din sa action si Daniel dahil dito rin ang linya ng ama nitong si Rommel at tiyuhin na si Senator Robin Padilla. Ronnie Carrasco III