Home METRO Kasambay na nagtangkang tumakas sa amo nahulog mula sa ika-5 palapag, patay!

Kasambay na nagtangkang tumakas sa amo nahulog mula sa ika-5 palapag, patay!

LUCENA CITY, Quezon- Patay ang isang 36-anyos na kasambahay matapos mahulog mula sa ika-limang palapag ng bahay ng kanyang amo nitong Sabado ng hapon, sa Barangay Ibabang Dupay, sa lungsod na ito.

Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Marites, may kinakasama, at residente ng Sitio Abukaduhan, Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, nabasag ang nilalakaran ng biktimang fiberglass roof ng isang hardware store sa ika-limang palapag. Bumulusok siya sa ground floor ng warehouse at agad na binawian ng buhay.

Ayon sa mga pulis, nais umalis ng biktima sa kanyang trabaho sa hindi matukoy na dahilan at ang tanging paraan upang makatakas siya ay mula sa ika-limang palapag.

Isinailalim ang bangkay ng biktima sa post-mortem examination ng Lucena City police. RNT/SA