Home NATIONWIDE $18,800 na naiwan sa NAIA, nakuha na ng Mindanao-based businessman

$18,800 na naiwan sa NAIA, nakuha na ng Mindanao-based businessman

MANILA, Philippines – Nakuha na ng Mindanao-based businessman ang $18,800 na halaga ng salapi na naiwan sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 20.

Ang mga pera ay nakatago sa pares ng mga medyas na nadiskubre ng airport janitor na si Rosalinda Cellora.

Sa kabila nito, hindi pa malinaw kung paano naipuslit ng claimant na si “Mohamad” ang malaking halaga ng dolyares na hindi nadedetect ng airport security.

Sa ilalim ng Central Bank regulation, ang bawat pasahero ay pinapayagan lamang na magdala ng hanggang $10,000 at ang sosobra rito ay kukumpiskahin ng Bureau of Custom.

Si Mohamad, kasama ng ilang mga kaanak, ay nagtungo sa NAIA Terminal 1 nitong Linggo ng umaga, at ipinresenta ang patunay na siya ang nagmamay-ari ng mga dolyares.

Nakumpirma sa airport CCTV na si Mohamad ang tanging pasahero na nakaiwan ng pares ng mga medyas na naglalaman ng $18,800 cash.

Nagpasalamat naman si Mohammad sa airport authorities at kay Cellora. RNT/JGC