Home NATIONWIDE Fingerprint ni Mayor Guo, Guo Hua Ping pinagkukumpara ng NBI

Fingerprint ni Mayor Guo, Guo Hua Ping pinagkukumpara ng NBI

MANILA, Philippines – Kasalukuyang pinagkukumpara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang fingerprints ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo at Chinese passport-holder Guo Hua Ping, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Sinabi ni Hontiveros sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pagkakasangkot sa illegal na aktibidad sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hiniling niya na sa NBI na pagkumparahin ang fingerprints ni Mayor Guo at Guo Hua Ping.

Si Guo Hua Ping ang ipinapalagay na “tunay na pagkakakilanlan” ni Mayor Guo.

Kapag napatunayang isang Chinese si Mayor Guo, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na mapapalakas ang quo warranto case laban sa kanya.

Si Mayor Guo ay naging paksa ng pagsisiyasat matapos ihayag ng Senate panel on women ang kanyang diumano’y kaugnayan sa Zun Yuan Technology, isang POGO hub sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong Marso.

Paulit-ulit na pinabulaanan ng lokal na opisyal ang alegasyon na ito. Iginiit niya na siya ay isang “simpleng mamamayang Pilipino.” Jocelyn Tabangcura-Domenden